nung una kitang makilala di man lang kita napuna,
di ka naman kasi ganoon kaganda, di ba?
simpleng kabatak, simpleng kabarkada lamang ang tingin ko sa ´yo.
di ko talaga alam kung bakit ako nagkakaganito!
ako´y napaisip at biglang napatingin, di ko malaman kung anong dapat gawin!
dahan- dahan nag- iba ang pagtingin ko sa ´yo,
gumanda ka bigla at ang mga kilos mo´y nakakapanibago!
napansin ko na lamang na nalalaglag ang aking puso.
bad trip talaga! na- i- in lab ako sa ´yo!
tuwing kita´y nakikita ako ay napapangiti,
para bang gusto kong halikan ang iyong mga pisngi!
CHORUS
minamahal kita! ba´t di ka maniwala?!
anong kailangan kong gawin upang seryosohin mo
ang aking sinasabi tungkol sa pag- ibig ko sa ´yo?
maniwala ka sana, minamahal kita!
nasira na yata ang ulo ko, kaiisip ko sa ´yo
kahit saan tumingin ay mukha mo ang nakikita ko!
pero bakit para kang naiilang, ako ay iyong iniiwasan?
ako´y nahihirapan uy, wala namang ganyanan!
pakiramdam ko ngayon ako ay nagmumukhang gago!
ngayon ako´y nagsisisi kung bakit ako nag "i love you"!!!
kasi di na tayo tulad ng dati
ngayon sa akin ay diring- dire!
(CHORUS)
Parokya Ni Edgar Ringtones