narito, ang puso ko
inaalay lamang sa´yo
aking pangarap kahit saglit
ang ikaw at ako´y magkapiling
minsan pang makita ka
damdamin ay sumasaya
lungkot napapawi
buhay ko´y ngingiti
sa sandaling pag-ibig mo´y makapiling
puso ko´y narito
naghihintay sa pag-ibig mo
ikaw lamang ang inaasam
tanggapin mo ang puso kong narito
hanggang matapos ang kailanman
bawat kilos mo´t galaw
minamasdan, tinatanaw
laging nangangarap, kahit saglit
ang ikaw at ako´y magkapiling
puso ko´y narito
naghihintay sa pag-ibig mo
ikaw lamang ang inaasam
tanggapin mo ang puso kong narito
hanggang matapos ang kailanman
kahit di malaman o main´tindihan
kahit na masugatan ang puso
naghihintay sayo
maghihintay ako
puso ko´y narito
naghihintay sa pag-ibig mo
ikaw lamang ang inaasam
tanggapin mo ang puso kong narito
hanggang matapos ang kailanman
Gary Valenciano Ringtones