Dati-rati
Laman ng puso mo ay ang pangalan Ko
Lagi Ako sa isip mo
Dati-rati
Inaawitan pa lagi ay may ngiti
Mga mata´y nagniningning
Ngunit ngayon nagbago ka
Nasa´n na ang init ng pagsinta
Pangako mo´y hindi magwawakas
Di ba´t noon
Samyo ng bulaklak at ihip ng hangin ay kapansin-pansin
Di ba´t noon takbo ng oras ay di mo napapansin
Laging naglalambing
Ngunit ngayon naglaho na
Sigla´t tamis ng iyong pagsinta
Pagmamahal Ko ba´y kailangan pa
Ooh
Dati-rati
Mga pangako Ko´y kandungan mo´t lakas
Sa pagsubok ay kay tatag
Di ba´t noon
Sa kaibigan mo´y Akong bukambibig
Bakit ngayo´y anong lamig
Di mo alam Ako´y nasasaktan
Sa di pagpansin sa Aking pagmamahal
Lumapit ka´t Ako´y naghihintay
Naghihintay, ohh
Ako´y nasasaktan
Sa di pagpansin sa aking pagmamahal
Lumapit ka´t ako´y naghihintay
Di mo alam Ako´y nasasaktan
Sa di pagpansin sa Aking pagmamahal
Lumapit ka´t Ako´y naghihintay
Panginoon
Ako´y nabulag ng mandarayang mundo
Ako ay patawarin Mo
Mula ngayon ang buhay kong ito´y
Iaalay sa Iyo gamitin mo ako
Gaya ng dati
Gaya ng dati
Gaya ng dati
Gary Valenciano Ringtones